Friday, July 1, 2016

WIKA

[Photo not mine]

         Ang wika ang siyang pinakamahalagang sangkap upang makabuo ng epektibo o mabisang komunikasyon. Ito ang daan tungo sa magandang pakikipag-kapwa tao at pagkakaunawaan ng mga kalahing nasa paligid lamang. Mahalaga ang tungkulin ginagampanan ng wika sa buhat ng indibidwal sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa tao sa kanyang tahanan, paaralan o lipunan. Naghahatid ito ng damdamin at kaisipan na tanging wika lamang ang makakagawa.

            Ang wika ay lingguwistiko sapagkat nagkakaroon pa rin ng iba-ibang diyalekto na laganap ngayon sa bansa partikular na sa mga rehiyonal na lugar kahit pa mayroong pambansang wika na umiiral sa bansa. Lingid sa kaalamang ito ay pinagtitibay ang kaisipang itaguyod ang wikang pambansa sa Pilipinas. Nakapaloob sa wikang pambansa ang yugto ng wika sa Pilipinas. Ito ay ang wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino. Ang wikang Tagalog ay nangangahulugan ng lengwahe at kalaunan ay napalitan ng wikang Pilipino na ibig sabihin ay mga tao o tawag sa taong nakatira sa Pilinas. Ito ay napawalang bisa at napalitan ng wikang Filipino na isang artipisyal na wika. Ito ay nangangahulugan ng lengwahe ng mga Pilipino. Sa kasalukuyang Konstitusyon sa Artikulo XIV, Seksiyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Tungo dito ay naipayabong ng sanggunian ay lumang intepretasyon na nakabatay lamang sa Tagalog ang wikang pambansa.

            May dalawang wikang opisyal na nakalakip sa Pilipinas at ito ay ang Filipino at Ingles (Ayon sa Saligang Batas ng 1987). Ginagamit ang dalawang ito sa pangkalahatan tulad ng pakikipagsalamuha sa ekonomiya ng bansa na nangangailangan ng kaisipan ng wikang Ingles. Mother Tongue naman o ang unang wika bilang asignatura. Pinayabong ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ng Kautusan Blg. 74, Serye 2009 ang paggmait o pagpapatupad ng midyum na Mother Tongue-Based Multingual Education (MTB-MLE) sa pagtuturo ng pre-school hanggang ikatlong baiting sa elementarya. Binigyang diin nito na nararapat lamang na matutuhan muna ng mga bata ang unang wika bago matuto ng ikalawang wika. Sinasabing mas magtatagumpay ang mga bata sa pag-aaral kumpara sa mga batang hindi natutuhan ng lubos ang unang wika (Ayon sa ulat ng UNESCO 2003). Ang mga bata ay may karapatang matuto ng kanilang katutubong wika sa posibleng pinakamataas na lebel ng kasanayang lingguwistika, lalo na ang pagkakaroon ng malawak na bokabularyo, sa pang-unawa at pagtalakay ng paksang pinag-aralan. Tungo dito ay magkakaroon sila ng kasanayan upang maipahiwatag ang kanilang sariling opiyon, pagpapaliwanag, paglikha ng mga babasahin at iba pang kasanayan ng mapanuring isip. Ito ay nakakapagpagana ng pag-iisip ng isang indibidwal at magagamit rin niya ang sariling talino (Ayon kay Corson, 2001). Hinggil dito, maiisip ng mag-aaral na madali sa knila ang paggamit ng mataas na lebel ng kasanayang pangkaisipan sa mga gawaing pasulat o pasalita.

            Ang sariling wika ang nagbubukod tangi sa lahi ng bawat isa kaya mainam na ito ay pahalagahan at hindi dapat ikaila. Ito ang sagisag ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino. Ang wika ang kaluluwa at nagsasalamin sa Pilipinas. Pinagbubuklod-buklod nito ang mga damdamin at diwa ng mamamayan upang magkaisa at magkaunawaan. 





By Aubrey Babes M. Tradio       ABM C - Brilliance

No comments:

Post a Comment